Tuesday, March 8, 2011

Kabalintunaan ng Pag-ibig at Pagkabigo




“Bakit ganun noh? Kung sino yung taong ayaw natin, sila ang may gusto sa atin. Tapos, madalas, kung sino naman yung gusto natin, hindi tayo gusto. It’s so ironic…”

Eto ang isa sa mga hindi ko malilimutang linya nung nag-uusap kami nung isa kong kaibigan. Sabagay, totoo naman siya e. Hindi ko pwedeng pasubalian ang isang bagay na ako mismo ang nakaranas. Kung baga, to see is to believe, ang ikinaibahan nga lang dito, to feel is to believe.

Hindi ko alam kung may scientific or medical basis ba ang statement sa taas pero sa ilang bilyong tao sa buong mundo, halos lahat naman ata e nakaranas ng ganun. Yun bang rejection from the person you like, and rejecting someone who likes you pero hindi mo gusto. Hindi ko masasabing normal ‘to, pero kung titingnan kasi natin, it is very common.
 

Yun bang kung iisipin, sa dinami-dami ng tao na pwedeng magustuhan at mahalin, yun pang taong alam naman nating hindi tayo maaaring mahalin. Marami namang dahilan kung bakit hindi pwede. Dun. Dun tayo nagkakaiba. Merong hindi kayang suklian yung pagmamahal natin dahil hindi na pwede. Taken na sila. Meron din naman diyan, hindi tayo kayang mahalin dahil hindi sila tulad natin. Complications in terms of preference? Pwede. Basta hindi pwede. Tapos. Pero meron din namang mga kaso na sadyang hindi lang tayo gusto nung tao. Pwedeng dahil hindi tayo umabot sa standards nila, or sadyang hindi lang sila interesado. At meron din namang mga palusot na kesyo “I’m not yet ready to fall in love” o kaya naman “You don’t deserve me. You deserve better.” Kahit saang anggulo man natin tingnan, isa lang ang ibig sabihin ng mga katagang yan, “It’s over. Hindi ka nya gusto. Rejected ka.” Kahit gaano pa kaganda ang pagkakasabi o kahit gaano pa kawasto ng mga salitang ginamit, isa  pa rin ang patutunguan nun. As usual, bigo na naman.

Pero hindi lang naman tayo ang nakakaranas ng rejection at disappointment e. Marami pang iba jan. At kung mamantakin mo, baka nga ikaw pa ang dahilan. Pwedeng nireject mo dahil may iba kang mahal. Pwede rin namang “It’s complicated” ang drama mo. Pero madalas, nangyayari talaga ang rejection pag hindi mo gusto yung tao. Walang “spark” ika nga. Idagdag mo pa ang kawalan ng “chemistry”. Naks, spark at chemistry. Parang Science lang e noh? Ito na ba yung scientific basis na sinasabi ko sa itaas?


Well, kung ano man yun, walang makapagsasabi. Iba iba naman kasi tayo ng preference e. Hindi naman porke’t nireject ka e panget ka, at hindi rin naman porke’t  nireject mo e panget siya. There’s more to rejection than just an ugly face. Pero let’s face it, malaki naman kasi ang probability na nirereject tayo based on on our physical appearance. Alam ko marami sa inyo ang magtataas ng kila, pero yun ang reality. People tend to judge others based on what they see. Visual tayo. Yun ang totoo. Kaya madalas, mga ipokrito lang yung magsasabi na hindi sila tumitingin sa pisikal na kaanyuan.

Hindi ko naman sinasabing sa pisikal lang tumitingin ang mga tao. What I mean to say is that we often look sa physical sa simula. Dun kasi nagsisimula yung attraction na sinasabi e. Yun bang mapapasigaw ka na lang ng “Shit, ang gwapo!” o mapapanganga ka dahil sa ganda niya. Ganun. After that attraction had been established, dun na lang susunod yung mga “Minahal kita hindi dahil sa itsura mo kundi dahil sa ugali mo.” Then everything else follows.


Sige isipin mo ha, kung sa simula pa lang e wala ng physical attraction, would anyone be interested in knowing the person? Siyempre, eeffort ka pa ba? So kung ganun, isipin mo na lang kung ilang relasyon ang maaaring nabuo kung kinilala natin yung tao despite his physical appearance where we most likely based our judgment of the person. Kaya kung iisipin, nakakalungkot na maraming relasyon ang maaaring nagwork kung lahat tayo magiging open sa ideya na ang taong nagpakilala sa atin na hindi natin pinansin or yung taong naglakas ng loob na kilalanin tayo pero itinaboy lang natin e pinaglaanan natin ng panahong kilalanin.

Sabagay, that’s how the world works. Who am I to judge the very nature of men, and women for that matter. Kaya nga nature e, we’re born with it. Pero sabi nila, malaki ang epekto ng externalities sa paniniwala ng tao. Kung baga yung mga external factors na ‘to ang huhubog sa pagkatao natin at maaaring yumugyog sa kung ano ang kinalakhan natin o kung ano ang kinamulatan natin. Magbabago yan depende sa impluwensiya ng mga bagay sa labas na maaaring hindi natin kontrolado. Kaya kung minsan, hindi ko rin maialis sa isip ko kung ano ang basis ng isang tao para magreject siya ng iba.

Hindi ko naman pwedeng sisihin yung tao mismo. Desisyon niya yun e. Tulad din yun ng hindi ko pwedeng sisihin ang sarili ko sa pagreject sa ibang tao. It’s actually our own prerogative. Our own right. Hindi mo naman kasi pwedeng ipilit yun sa tao e. All we can do is to hope and pray na sana, kahit minsan, mapalingon sila sa atin at biglang may kung anong makita sila na maaaring magdulot ng interes sa kanila tungo sa atin.


Haha. I know suntok sa buwan, pero who knows di ba? Sabi nga nung kaibigan ko, “It’s never over ‘til it’s over. Pwede pa yan hangga’t wala pang asawa.” Alam ko nakakatawa. Pero logical at rational naman e, di ba? Bakit ka nga naman susuko kung may pag-asa pa? Malay mo, bigla niyang makita sa’yo yung matagal na pala niyang hinahanap. Alam kong tempting ang pagsuko. Hindi naman tayo mauubusan e. Maraming tao sa mundo and I know may tamang nakalaan para sa bawat isa sa atin, pero hindi rin naman bawal mangarap. Hindi rin bawal umasa. Kasi sa bawat butil ng pag-asa na panghahawakan natin, malay niyo, magiging daan yun para mabawasan naman ang mga taong sawi at rejected. Malay niyo, biglang isang araw, katabi niyo na yung taong matagal niyong inaasam-asam, di ba?

O siya, napahaba na naman ang kadaldalan ko. Gusto ko lang naman mag-share a, masama ba yun? Hindi naman kita pinilit na basahin ‘to e. Pero kung binasa mo man, maraming salamat. Ayan yung comments sa baba, feel free. Pero sobra naman na kung i-aask ko pa yun from you. Maraming salamat ulit. Sige na, tapos na rin naman yung pinapakinggan kong music. Sa uulitin! Babye! ^_^

2 comments:

Ahyan said...

SO nice. ^_^

*question*

1. na reject ka na ba?
2. did you reject someone?

Marky said...

Thanks Ahyan!

Hmm, to answer your question:
1. Na-reject ka na ba?
Ans: Well, to be honest, yes, I had been rejected before, I just can't remember how many times.

2. Did you reject someone?
Ans: Hmm, that made me think. Well, I guess I did, but not to the point that I hurt the person. Normally, I would reject the person in the nicest way possible. Sometimes, it's their fault why I rejected them.

I hope I was able to answer your questions. :) Thanks for visiting my blog. God bless! :)